Saturday, 9 March 2019
Character Sketch
Character Sketch
Blaise Dzey M. Gono
Nagkakilala kami dahil
magkatabi kami noong kinder 1 pa kami. naging matalik ko siyang kailbigan. Ang
nanay niya at ang nanay ko ay matalik rin na magkaibigan.tinanong niya ako kung
ano ang pangalan ko at nag simula na ang pagiging kaibigan namin. lagi akong
nagtatanong sa kanya sa mga gawain sa bahay namin sa paaralan at tinulungan
naman din niya ako.
siya ay mataas na lalaki at kapag
pumuporma ay napaka gwapo.maraming mga babae ang nagkakagusto sa kanya kaya
lagi ko siyang nilalait at kinukulit. siya ay may maputi na balat at
mapula na mga labi napaka ganda ang kanyang mga ngiti. malinis ang pagkakagupit
sa kanyang buhok napaka ganda ang kanyang mga mata
siya ang kaibigan kong palaging
nasatabi ko kung kailangan ko siya.pinagtatawanan niya ako kapag nag sasabi ako
ng mga problema ko ngunit tinutulungan din naman niya akong malutas ito. siya
lang ang kaisa isang lalaking kaibigan ko na tumutulong sa mga problema ko.
inilalabas ko ang galit ko sa kanya dahil hindi naman siya nagagalit. hinding
hindi ka magsasawang kasama siya dahil palagi siyang nagpapatawa at nangungulit
Thursday, 31 January 2019
Alamat ng lapis
"Ang alamat ng Lapis"
Noong unang panahon, may isang bata na si papelo, si papelo ay
nawalan ng mga magulang noong 4 pa siya, siya ang bata na palaging
nakakatanggap ng mga karangalan, mga medalya at iba pa.pagkatapos,
di lamang siya magaling sa pag-aaral kundi siya ay isang mabait na bata
at marunung sa mga gawaing bahay. siya ang paboritong studyante ng
mga guro kaya noong nalaman ng mga guro na si papelo ay isang ulila na,
isang guro na nangangalang gng. Amilda ang nag patira sa kanyang bahay
kasunod, si papelo ay mahilig mag sulat ng mga aralin na natutunan niya
sa lahat na asignatura. nag umpisa si papelo magsulat noong siya ay 6 na
taong gulang.inipon nya ang kanyang mga sinulat sa isang malaking aparador
sa bahay ni gng. Amildasinabihan na siya ni gng. Amilda na itatapon na ang
kanyang mga sulat dahil wala naman itong magandang maidudulot kundi puro basura lang
ang lahat na ito. ayaw ni papelo na itapon lahat ng kanyang mga isinulat kaya wala nang magawa si gng.Amilda.
isang araw, may isang bata na natalo ni papelo sa isang pagsusulit,labis
na nagalit ang bata at nagbalak pa na pabagsakin si papelo. narinig ni papelo ang balak ng bata kasi nag-uusap sa sarili ang masamang bata dala ang masamang tawa. kaya malinis at maayos ang pag iwas ni papelo sa masamang balak. pagkatapos.labis na nagalit na talaga ang bata at pinaplanohan ng bata na wla nang ibang paraan kundi patayin nasi papelo. ang plano nga bata ay sunugin ang bahay ni gng.Amilda na tinitirahan ni papelo kahit na nasa loob ang gng. kasi di naman gusto ng bata ang guro dahil sa ka striktahan nito.pagkasunog ng bahay sumaklolo si gng.Amilda na hawak si papelo sa kanyang kamay ngunit walang naka rinig.
sa huli, parehong napatay si gng.Amilda kasama si ppelo sa sahig na nagkayakap. ang mga papel na nasunog ay muling nabuhay nagkadikit dikit upang maka porma ng isang libro. ngayon ginagamit na ito sa karamihan ng bata sa mundo.
Subscribe to:
Posts (Atom)