Thursday 31 January 2019

Alamat ng lapis

"Ang alamat ng Lapis"

Noong unang panahon, may isang bata na si papelo, si papelo ay
nawalan ng mga magulang noong 4 pa siya, siya ang bata na palaging
 nakakatanggap ng mga karangalan, mga medalya at iba pa.pagkatapos,
di lamang siya magaling sa pag-aaral kundi siya ay isang mabait na bata 
at marunung sa mga gawaing bahay. siya ang paboritong studyante ng 
 mga guro kaya noong nalaman ng mga guro na si papelo ay isang ulila na,
isang guro na nangangalang gng. Amilda ang nag patira sa kanyang bahay

 kasunod, si papelo ay mahilig mag sulat ng mga aralin na natutunan niya
 sa lahat na asignatura. nag umpisa si papelo magsulat noong siya ay 6 na
  taong gulang.inipon nya ang kanyang mga sinulat sa isang malaking aparador 
  sa bahay ni gng. Amildasinabihan na siya ni gng. Amilda na itatapon na ang
 kanyang mga sulat dahil wala naman itong magandang maidudulot kundi puro basura lang
 ang lahat na ito. ayaw ni papelo na itapon lahat ng kanyang mga isinulat kaya wala nang magawa si gng.Amilda.

 isang araw, may isang bata na natalo ni papelo sa isang pagsusulit,labis 
 na nagalit ang bata at nagbalak pa na pabagsakin si papelo. narinig ni papelo ang balak ng bata kasi nag-uusap sa sarili ang masamang bata dala ang masamang tawa. kaya malinis at maayos ang pag iwas ni papelo sa masamang balak. pagkatapos.labis na nagalit na talaga ang bata at pinaplanohan ng bata na wla nang ibang paraan kundi       patayin nasi papelo. ang plano nga bata ay sunugin ang bahay ni gng.Amilda na tinitirahan ni papelo kahit na nasa loob ang gng. kasi di naman gusto ng bata ang guro  dahil sa ka striktahan nito.pagkasunog ng bahay sumaklolo si gng.Amilda na hawak si papelo sa kanyang kamay ngunit walang naka rinig.

sa huli, parehong napatay si gng.Amilda kasama si ppelo sa sahig na nagkayakap. ang mga papel na nasunog ay muling nabuhay nagkadikit dikit upang maka porma ng isang libro. ngayon ginagamit na ito sa karamihan ng bata sa mundo.